Pacquiao nalo via split decision
October 10, 2005 | 12:00am
LAS VEGAS --Nag-ningning muli ang panga-lang Pacquiao sa Amerika ay agad inamin ni boxing star Manny na marami pang dapat matutunan ang kanyang nakababa-tang kapatid na si Bobby matapos nitong talunin kahapon si Carlos Alberto "Famoso" Hernandez ng El Salvador sa kanilang 10-round super-feather-weight bout sa Thomas and Mack Center dito.
"Marami pa siyang dapat matutunan," wika ni Manny ilang minuto bago ang mga ito ay umalis ng pinagboksingan. "Kaila-ngan tibayan pa niya ang katawan. Bibigyan ko pa siya ng maraming tips."
Nanalo si Bobby sa pamamagitan ng 10-round split decision mata-pos ang scores na 95-93 (Duane Ford) at 95-94 (Chuck Giampa). Ang ikatlong hurado naman na si Robert Hoyle ay ku-mampi kay Hernandez sa score na 97-92.
Nagawang pabag-sakin ni Bobby si Hernan-dez sa ikalawang round sa tindi at bilis ng kanyang left straight.
Matapos mapahiya ay nanumbalik ang tapang at lakas ni Hernandez kung kayat may ilan-ilang mga sandali na marami ang nag-akala na anumang sandali ay babagsak si Bobby.
Subalit naging mata-tag si Bobby sa harap ng isang beteranong kalaban na hindi man lamang na-pabagsak ni Erik Morales noong isang taon.
"Talagang tiniis ko ang hirap ng ensayo (sa Wild Card Gym) kayat heto at hindi lang nakatagal kundi nanalo pa," wika ni Bobby.
Wala pang katiyakan kung may rematch sina Bobby at Hernandez. (JMMARQUEZ)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am