^

PSN Palaro

Pinay spikers silat sa Indons; Thais naka-2

-
Ipinakita ng Thailand ang kanilang kahandaan sa pakikipagharap sa Philippines ngayon nang kanilang bugbugin ang Myanmar, 25-6, 25-12, 25-15 kahapon sa 2-for-2 Shakey’s Invitational Vol-leyball Championship sa Rizal Memorial.

Nangailangan lamang ang Thais na binande-rahan ng pitong miyem-bro ng kanilang national team na magpapakita ng aksiyon sa susunod na buwang Southeast Asian Games dito ng 52 minuto para dispatsahin ang Bur-mese at makuha ang ki-nakailangang momentum para sa kampeonato ng tatlong araw na exhibition tournament ng apat na koponang sasabak sa SEA Games sa Nov. 27-Dec. 5 sa Manila at sa tat-long iba pang satellite ve-nues.

Hindi naglaro si Nara-porg Phongthong, isa sa apat na manlalaro na be-terana ng World Cham-pionship at sa halip ay pi-nanood na lamang niya ang kanyang mga ka-teammates kung paano lamugin ang Burmese na yumukod rin sa Philippi-nes, 14-25, 14-25, 17-25 sa opening noong Biyer-nes ng gabi.

Samantala, hindi na-man nakayanan ng host Philippines ang mabigat na hamong ibinigay ng Indonesia ng silatin sila ng Indons sa limang set, 14-25, 25-22, 25-19, 22-25, 15-11 na nagkulimlim ng kanilang tsansa para sa korona.

Hindi nasustinihan ng Pinay belles ang kanilang momentum sa unang set ng kanilang padapain ang Indons, ng magsimulang umahon ito sa dalawang oras na labanan ng si-mulan nilang agawin ang sumunod na dala-wang set bago isinara ang laban sa ikalimang set upang ipatikim sa Pinay belles ang kani-lang unang kabiguan sa harapan ng punum-pu-nong manonood.

BIYER

INDONS

INVITATIONAL VOL

IPINAKITA

KANILANG

MYANMAR

PINAY

RIZAL MEMORIAL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WORLD CHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with