Siguradong mahahaluan ng emosyon ang mga players ng magkabilang panig matapos ang mga pangyayari sa Game-One na pinagwagian ng FEU Tamaraws na magtatangkang maisubi ang titulo ngayon sa alas-3:30 ng hapong sagupaan.
Naitakas ng Tamaraws ang 75-73 panalo sa Game-One noong nakaraang Huwebes na natapos sa isang komosyon nang sapukin ni La Salle team manager Manny Salgado ang bayani ng Far Eastern na si Arwind Santos.
Sa likod ng paghingi ng tawad ni Salgado ay pinatawan ito ng lifetime ban ng UAAP Board matapos ang kanilang board meeting.
Dahil hindi nakaganti si Santos sa pananakit ni Salgado, dadaanin na lamang niya ito sa matinding paglalaro ngayon upang mabawi ng Tamaraws ang titulong inagaw sa kanila ng La Salle noong nakaraang taon para sa kanilang ika-18th overall title.
Tangka ng Archers na maisulong sa deciding Game-Three ang serye para sa kanilang kampanyang maisubi ang ikaanim na titulo sa kabuuan.
Mauuna rito ay ang awarding ceremonies sa alas-3:00 ng hapon kung saan malakas na contender ang reigning MVP na si Santos.
Ihahayag din ang Mythical Team at Rookie of the Year. (CVOchoa)