^

PSN Palaro

Titulo ‘di na pakakawalan ng FEU

-
Tiyak na magiging matensiyon ang labanan ngayon ng defending champion De La Salle University at Far Eastern University sa Game-Two ng kanilang titular showdown para sa UAAP seniors basketball tournament title sa siguradong dudumuging Araneta Coliseum.

Siguradong mahahaluan ng emosyon ang mga players ng magkabilang panig matapos ang mga pangyayari sa Game-One na pinagwagian ng FEU Tamaraws na magtatangkang maisubi ang titulo ngayon sa alas-3:30 ng hapong sagupaan.

Naitakas ng Tamaraws ang 75-73 panalo sa Game-One noong nakaraang Huwebes na natapos sa isang komosyon nang sapukin ni La Salle team manager Manny Salgado ang bayani ng Far Eastern na si Arwind Santos.

Sa likod ng paghingi ng tawad ni Salgado ay pinatawan ito ng lifetime ban ng UAAP Board matapos ang kanilang board meeting.

Dahil hindi nakaganti si Santos sa pananakit ni Salgado, dadaanin na lamang niya ito sa matinding paglalaro ngayon upang mabawi ng Tamaraws ang titulong inagaw sa kanila ng La Salle noong nakaraang taon para sa kanilang ika-18th overall title.

Tangka ng Archers na maisulong sa deciding Game-Three ang serye para sa kanilang kampanyang maisubi ang ikaanim na titulo sa kabuuan.

Mauuna rito ay ang awarding ceremonies sa alas-3:00 ng hapon kung saan malakas na contender ang reigning MVP na si Santos.

Ihahayag din ang Mythical Team at Rookie of the Year. (CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

GAME-ONE

LA SALLE

MANNY SALGADO

MYTHICAL TEAM

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with