Pinay pugs nakuntento sa 2 bronze
October 4, 2005 | 12:00am
Kapwa bumagsak sina Gretchen Abaniel at Mitchell Martinez kontra sa mga mas eksperyensadong kalaban sa 3rd World Womens Boxing Championships sa Podolsk, Russia para magkasya lamang sa bronze medal.
Nadiskaril si Abaniel sa kanyang kampanya sa gintong medalya matapos lumasap ng kabiguan sa North Korean na si Jong Ok sa nakapanghihinayang na 20-22 points decision sa kanilang 46-kg. bout.
Hindi naman nakaporma si Martinez, kontra kay Tatar Gulsum ng Turkey sa kanilang 60-kg match sa nakakahiyang 26-42 kabiguan.
Bagamat sinikap ni Martinez, gold medalist sa Asian Womens Boxing Championships na ginanap sa Taipei sa taong ito, hindi nito nakayanan ang husay ng Turkish boxer.
"They gave their best shots," ani Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez ukol sa laban nina Abaniel at Martinez. "It just so happened that they ran into more experienced fighters."
Mag-uuwi ng dalawang bronze medal ang RP womens boxing squad mula sa biyaheng ito na magsisilbing tune-up para sa nalalapit na SEA Games sa tulong ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, Philippine Sports Commission at Pacific Heights.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest