Pacquiao, Viloria at Bautista ipinagbunyi ni Pangulong Arroyo at ng mga Manileños
October 4, 2005 | 12:00am
Kinilala ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang tagumpay nina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Rey "Boom Boom" Bautista sa kanilang mga kalaban noong Setyembre 10 sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Ipinagbunyi ang tatlong boxing heroes sa isang motorcade sa Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Lito Atienza bago tumuloy sa Malacañang Palace bago magtanghali kung saan maraming mga Pilipino ang nag-abang upang masilayan ang mga sports heroes na nag-representa sa Luzon (Viloria), Visayas (Bautista) at Mindanao (Pacquiao).
Si Viloria ay nanirahan sa Narvacan, Ilocos Sur, mula anim na buwan hanggang anim na taon, samantalang si Bautista naman ay tubong Candijay, Bohol, at si Pacquiao laking General Santos City.
Dala-dala nina Bautista at Viloria ang kani-kanilang titlebelt kung kayat lalo silang pinagkaguluhan ng mga taong nais magpa-autograph at magpakuha ng litrato.
Matapos ang opisyal na pagpapakilala sa tatlo ay niyaya nina Pangulong Arroyo sina Pacquiao, Viloria at Bautista at maging ang kanilang mga handlers sa loob ng Palasyo upang mananghalian.
Sa tatlo, si Pacquiao ay mayroong pinakamalinaw na schedule dahil sa kasado na ang kanyang rematch kay Erik Morales na gaganapin sa Enero 21, 2006 sa Las Vegas, Nevada.
Si Bautista naman ay tinatarget na umakyat ng ring sa Nobyembre 12 kontra sa isang taga-South America at ang labang ito ay gagawin sa Tagbilaran, Bohol. Si Viloria naman ay gusto ring isabak sa laban bago matapos ang taon subalit hindi pa malalaman ang susunod na hakbang dahil sa makikipag-meeting pa si Gary Gittelsohn sa promoter na si Bob Arum sa isang linggo.
Si Pacquiao ay tutulak patungong US sa Huwebes upang panoorin ang kanyang kapatid na si Bobby sa nalalapit na dwelo kay Carlos "Famoso" Hernandez ng El Salvador sa Las Vegas sa darating na Linggo.
Babalik naman agad sa Pilipinas si Pacquiao sa isang linggo.
Balak ni Pacquiao na magsimula sa ensayo sa Nobyembre upang pag-alis nito patungong US ay hindi na ito mahihirapang mag-adjust.
Tinatayang sa Phoenix, Arizona, ang magiging training camp ni Pacman, ayon sa malalapit sa boksingero. (JMMarquez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended