^

PSN Palaro

120 aspirants magpapasiklab sa PBL Rookie Camp ngayon

-
Aabot sa 120 aspirants, kabilang ang mga sikat na players mula sa collegiate leagues at ilang Fil-foreign players, ang magpapakitang gilas sa Philippine Basketball League Rookie Camp ngayon sa Reyes gym sa Mandaluyong City.

Pangungunahan nina Japeth Aguilar ng Ateneo, Kelvin dela Peña ng Mapua, mga Fil-Am players na sina Joe Calvin Devance, Bryan Baculi at Ryan Arceo ang mga prospective rookies na umaasang makapasa sa panlasa ng mga PBL teams.

Naririyan din ang mga pambato ng Cebu na sina Mark Ababon at Lloyd Su-gian na magpapasiklab sa event na ito na suportado ng Accel at Sunbolt Sports Ener-gy Drink na gaganapin mula ala-una hanggang alas-5:00 ng hapon.

Kinakailangang magdala ang mga players ng kanilang playing uniforms at inaasa-hang dumating sa gym, isang oras bago magsimula ang sesyon na panganga-siwaan ng veteran pro na si Joey Guanio.

Ang mga players ay sa-sailalim sa mga drills tulad ng one-on-one, three-on-three at five-on-five plays para ma-kita ang kanilang quickness, shooting skills, ball handling at defensive stands.

Ang kick-off tournament ng 24th season ng PBL na posibleng tawaging Heroes Cup ay magsisimula sa Oct. 29 ngunit isasagawa muna ang Rookie Draft sa Miyer-kules sa Penthouse ng Phil. Stock Exchange Center (East Tower) sa Pasig City.

BRYAN BACULI

EAST TOWER

HEROES CUP

JAPETH AGUILAR

JOE CALVIN DEVANCE

JOEY GUANIO

LLOYD SU

MANDALUYONG CITY

MARK ABABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with