Naitala ng Roces-Es-candor duo ang pinaka-maaksiyong panalo na 22-20 decision laban kina Sheryl Laborte at Rolyn Marquicias para makuha ang karapatang hamunin sina defending cham-pions Michelle Laborte at Cecille Tabuena.
Bumangon sina Roces at Escandor mula sa 15-18 deficit nang isang smash ang hinataw ni Roces na nagtabla ng iskor sa 20-all habang ang touch net error ni Laborte ang nagbigay sa kanila ng matchpoint.
Nakakuha sila ng twice-to-beat advantage laban kina Laborte at Marquicias, ngunit natalo sila sa 13-21 na siyang nagbunga ng rubber match.
Naging magaan naman ang panalo ng Philippine Navy pair nina Michelle Laborte at CecileTabuena matapos nilang ma-sweep ang anim na elimination matches at semifinal assignments, kabilang ang 21-12 panalo laban kina Shery Ann Garcia at Patri-cia Taganas sa semis.
Ang mga cross court errors ni Garcia ang nagbi-gay kina Laborte at Tabue-na ng 13-5 lead, bago ang high-looping placement shot ni Laborte na nagbigay sa defending champions ng 15-7 pangunguna at sinundan ng dalawang net errors ni Garcia na nagbi-gay daan sa paglayo ng Navy pair sa 17-7 tungo sa kanilang tagumpay.
"We expect the final game to be a slambang affair. The Navy tandem sure is favored to win the game, but their rivals want to carve a name for them-selves here. This is their chance for fame and glory," ani Tisha Abundo, orga-nizer ng Petron series.