^

PSN Palaro

Martinez nakasiguro rin ng bronze

-
Sumiguro pa ng isang bronze medal para sa Team Philippines ang light-weight na si Mitchell Martinez sa 3rd World Women’s Boxing champion-ships sa Moscow, Russia.

Nanalo sa puntos si Martinez, gold medalist sa first at third Asian Cham-pionships laban kay Teuta Cuni ng Turkey, 35-27 sa quarterfinals ng kanilang 60kgs. division bout.

Sinimulan ni Martinez ang unang round sa pamamagitan ng pagkonek-ta ng solidong left sa katawan ni Teuta para sa kanyang 5-2 kalamangan sa naturang round.

Nang makita ni Martinez na mahina na ang katawan ng Turkish, dito niya ito tinarget para manatiling kontrolado ang laban.

Gayunpaman, binigyan ng warning si Martinez sa ikatlong round na siyang dahilan ng two-point deduction ngunit hindi ito naging dahilan para tumigil ang Pinay boxer sa kanyang pananalasa tungo sa kanyang tagumpay.

Susunod na makakalaban ni Marti-nez ang isa na namang Turkish na si Tatar Gulsum sa semifinals.

Naunang sumiguro ng bronze si Gretchen Abaniel matapos manalo kay Aktop Deria ng Turkey sa pinweight division para makasulong sa semifinal round kung saan nakatakda niyang sa-gupain ang mapanganib na North Ko-rean na si Jong Ok para sa silver medal.

Matapos maka-bye sa unang round, tinalo ni Martinez ang Australian na si Erin Mcgowan sa kanyang quarterfinal bout.

AKTOP DERIA

ASIAN CHAM

ERIN MCGOWAN

GRETCHEN ABANIEL

JONG OK

MITCHELL MARTINEZ

NORTH KO

TATAR GULSUM

TEAM PHILIPPINES

TEUTA CUNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with