Mahigit 80 players magpapakitang gilas sa PBL Rookie Camp
September 30, 2005 | 12:00am
May 80 players, kabilang ang tatlong anak ng mga dating top amateur players at ilang sikat na manlalaro mula sa Visayas ang magpapakitang gilas sa Philippine Basketball League (PBL) Rookie Camp sa Lunes sa Reyes Gym sa Mandaluyong City.
Pangungunahan ni Japeth Aguilar, ang 6-foot-7 Ateneo center na anak ni Peter Aguilar, ang mga promising players na nagnanais makalaro sa premier amateur league ng bansa.
Tulad ng nakababatang Aguilar, hangad din nina Bryan Baculi, 5-foot-11 guard na anak ng multi-tiled coach na si Junel Baculi, at John Marc Agustin, 6-foot-4 forward na anak ni Ato Agustin, na masundan ang yapak ng kanilang mga tatay na naglaro sa liga noong dekada 80.
Ang iba pang kilalang player na nag-apply sa Rookie Draft na nakatakda sa Oct. 5 at suportado ng Accel ay sina NCAA rookie sensation Kelvin dela Peña ng Mapua, Marcy Arellano, Earn Saguindel at Luis Palaganas ng University of the East, at Roel Hugnatan ng Adamson.
Ang dalawang mahuhusay na players mula sa Cebu ay sina Chenise Lloyd Sugian at Lloyd Ortiguesa.
Pangungunahan naman nina Joe Calvin Devance, 67 banger mula sa Hawaii, at Ryan Arceo, 6-foot guard mula sa Loyola Marymount College, ang babandera sa mga Fil-foreign players.
Si Joey Guanio, veteran PBA player, ang inatasan ni Commissioner Chino Trinidad na mangasiwa ng Rookie Camp mula alauna hanggang alas-5:00 ng hapon kung saan may pagkakataong masilip ng mga coaches, scouts at fans ang mga prospective rookies.
Ang kick off tournament ng 24th season, na Heroes Cup, ay magsisimula sa Oct. 29.
Sasailalim ang mga rookie aspirants sa mga drills para masukat ang kanilang quickness, shooting, ball handling, defensive stands at versatility bukod pa sa mga scrimmages.
Ang deadline ng submission ng applications ay sa Lunes. Para sa karagdagang detalye, tumawag kay Lanie Sagayap sa tel. nos. 667-3008-09.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest