Umpisa na ang laban ng mga Pinay boxers

Sinimulan na ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa 3rd Women’s Boxing Championships sa Moscow Russia bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Southeast Asian Games.

Unang sasalang si Mitchel Martinez, ang gold medalist sa 1st at 3rd Asian Champion na sasabak sa Australian na si Erin Mcgowan kagabi habang sinusulat ang balitang ito.

Naging mapalad naman sa draw si Gretchen Abaniel na nakakuha ng bye kaya diretso na ito sa quarterfinals kung saan makakalaban nito ang mananalo sa pagitan ng Australia at Turkey.

May 152 boxers mula sa 38 bansa ang nakibahagi sa torneong ito.

Ang biyahe ng RP women’s team ay sponsored ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, PSC, Accel at Pacific Heights.

Show comments