^

PSN Palaro

Chef de Missions meeting bukas

-
Pondong mula P500 milyon hanggang P1 milyon ang inilatag ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pangangasiwa sa pulong ng mga Chef de Mission bukas sa Casino Filipino sa Parañaque City.

"Actually, ang estimated budget diyan is P1.5 million because the host, our country, will take care of the board and lodging, transportation and other expenses of the Chef de Missions," sabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Si Ramirez, ang deputy Chef de Mission ng RP delegation para sa 23rd SEA Games sa Nobyembre, ang siyang mamamahala sa naturang six-day activity.

"Hindi naman malaking halaga ‘yan. This are normally done by any host country of the Southeast Asian Games," dagdag ng PSC chief.

Nakatakdang magdatingan bukas sa bansa ang mga Chef de Mission ng Vietnam, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Laos, Cambodia, Myanmar, Brunei at East Timor bago sila magpunta sa Los Baños, Laguna sa Sabado upang tingnan ang aquatics center.

Inaasahang pagtutuunan ng pansin ng mga delegado ang ginagawang paghahanda ng Pilipinas ukol sa seguridad, transportasyon, akomodasyon at pagkain ng mga atletang lalahok sa 2005 SEA Games.

Bibisita ang grupo sa Bacolod City sa Oktubre 2 para inspeksyunin ang mga venues ng boxing, weightlifting, men’s football, beach volleyball at indoor volleyball bago tumulak sa Cebu City para bisitahin ang mga venues ng mountain bike, dance-sport, sepak takraw, pencak silat, judo at karatedo.

Sa Oktubre 4 bibisitahin ng mga delegado ang mga venues sa Manila at Subic. (RC)

BACOLOD CITY

CASINO FILIPINO

CEBU CITY

EAST TIMOR

LOS BA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SA OKTUBRE

SI RAMIREZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with