^

PSN Palaro

Lakas ng loob ang panlaban ng RP volleyball sa SEAG

-
Sa lakas ng loob na lamang sasandal ang mga Pinoy volleyball players para sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Sinabi kahapon ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na ang Indonesia at Thailand pa rin ang paboritong humataw ng gintong medalya sa naturang biennial event na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ang Indonesia ang naghari sa men’s division, samantalang ang Thailand naman ang nagreyna sa women’s category ng 2003 SEA Games sa Vietnam.

"This time around dahil nga host tayo, atin ang crowd mas magiging malakas ang loob ng mga bata natin," sabi ni PVF vice-president Tony Boy Liao. "Sa tingin ko ang ating target goal talaga natin is to beat Vietnam in the women’s division. When we beat Vietnam, most likely we’ll get into the finals."

Huling nakatikim ng medalya ang mga Filipino volleyball players noong 1991 Manila SEA Games kung saan sila pumalo ng bronze medal.

"After that wala na. Sa lalaki talaga malaki ang drought mula noong 1991. Hopefully, ngayon maganda ang ipapakita ng men’s team natin," wika ni Liao.

Matapos kuhanin ang gintong medalya noong 1993 SEA Games, hindi na ito natikman pa ng mga Filipina volleyball players na nag-uwi ng tanso sa nakaraang dalawang edisyon ng SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001 at sa Vietnam noong 2003.

"We are hoping na magiging maganda ang ipapakita ng men at women’s team natin because of our hometown advantage at ang training nila sa ibang bansa," ani Liao. (R.Cadayona)

ANG INDONESIA

CADAYONA

DISYEMBRE

FILIPINA

KUALA LUMPUR

LIAO

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TONY BOY LIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with