^

PSN Palaro

Pagulayan bagong US Open king

-
Sinamantala ni Alex Pagulayan ang mga hindi kapani-paniwalang pagkakamali ni Jose ‘Amang’ Parica tungo sa kanyang 11-6 tagumpay sa US Open 9-Ball Championships sa Chesapeake Conference Center sa Virginia.

Naging mahigpitan ang labanan nina Pagulayan at Parica na nagtabla sa 5-5 ngunit sa tuwing may pagkakataon si Parica na kontrolin ang labanan, lagi naman itong nagmimintis kaya naaagaw ni Pagulayan ang momentum.

Ito ang nagbigay daan sa pagsulong sa dating World Pool Champion na si Pagulayan sa 9-5 kalamangan.

Humirit pa ng isang game si Parica, 9-6 ngunit hindi na nito napigilan si Pagulayan sa sumunod na dalawang laro upang duplikahin ang kanyang panalo sa kanyang kapwa Pinoy sa kanilang naunang pagkikita.

Labis ang kasiyahan ni Pagulayan na nagsabing malapit na niyang matupad ang kanyang tatlong misyon: ang manalo sa World Championship at US Open, at ang huli ay tumangkad pa ng dalawang pulgada.

Nagsubi si Pagulayan ng $40,000 sa kanyang tagumpay habang nagkasya sa $20,000 si Parica na nakarating sa finals matapos talunin sa losers bracket si Francisco ‘Django’ Bustamante, 11-10.

Nag-uwi ng $10,000 si Bustamante habang si Earl Strickland ay may konsuwelong $5,000.

ALEX PAGULAYAN

BALL CHAMPIONSHIPS

BUSTAMANTE

CHESAPEAKE CONFERENCE CENTER

DJANGO

EARL STRICKLAND

HUMIRIT

PAGULAYAN

WORLD CHAMPIONSHIP

WORLD POOL CHAMPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with