2 kumpanya kumakatok sa pinto ng PBL
September 26, 2005 | 12:00am
Dalawang koponan ang inaasahang papasok bilang bagong teams sa Philippine Basketball League (PBL) para lumahok sa 24th season sa susunod na buwan.
Ito ang sinabi ni executive Director Butch Maniego na kasalukuyang nakikipagnegosasyon sa mga opisyal ng dalawang kumpanya na posibleng ma-kasama sa pamilya ng PBL ngunit hindi pa nila maaaring ibunyag ang mga pangalan ng mga naturang kumpanya.
Kumpiyansa si Commissioner Chino Trinidad na magiging madali para sa dalawang kumpanya ang pag-buo ng koponan dahil sa dami ng mga players mula sa mga collegiate leagues at mga free agents.
Ang kick-off tournament ng 2006 season na tinaguriang Heroes Cup, ay mag-sisimula sa Oct. 29 ngunit magkakaroon muna ng Rookie Draft sa Sept. 30.
Ang deadline ng submission ng application forms ay sa Martes para sa mga eligible na hindi hihigit sa 26-gulang sa opening day ng 2006 season.
Magdala ng authenticated berth certificate at 1 x 1 ID at mag-fill-up ng application sa PBL office sa Unit 2302A, West Tower, Phil. Stock Exchange Center sa Exchange Road, Pasig City o tumawag kay Lanie Saga-yap sa tel. nos. 667-3008-09.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended