^

PSN Palaro

Salu-salo para sa mga SEAG Athletes

-
Isang maghapong salu-salo sa Puerto Azul sa Cavite City ang itinakda ngayong araw ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga national athletes mula sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Ang naturang okasyon, ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, ay bilang pagbibigay ng pahinga sa mga atletang puspusan ang ginagawang paghahanda para sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sa kanilang pagdating sa Cavite, ang mga atleta ay sa-salubungin ng mga nagwawagayway na mga Caviteño patungo sa munisipalidad ng Trece Martires kung saan naman naghihintay si Gov. Ireneo ‘Ayong’ Maliksi.

"Aside from Governor Maliksi, magbibigay rin ng mga inspirational speech ‘yung iba mga Mayors para sa ating mga atleta," ani Ramirez.

Nais ng komisyon na pagpahingahin sa matindi nilang pagsasanay ang mga atleta.

"Gusto naman natin silang bigyan ng kahit papaano ay konting break at konting pagbabago sa athmosphere mula sa kanilang training," ani Ramirez. "Para itong get together ng mga athletes, officials." (Russell Cadayona)

CAVITE

CAVITE CITY

GOVERNOR MALIKSI

PASIG CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PUERTO AZUL

RAMIREZ

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with