Tulong ni PGMA dapat bigyan ng halaga
September 23, 2005 | 12:00am
Dapat lamang na bigyang halaga ang tulong na naibibigay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa 23rd Southeast Asian Games.
Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez na halos P500 milyon na ang nailalatag ng Malacañang bilang suporta sa ikatatagumpay ng nasabing biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5. "There are many things that the government, under the administration of President Gloria Macapagal-Arroyo, have contributed for the 2005 South-east Asian Games and we will make an announcement sometime para malaman naman ng mga kababayan natin na tumutulong ang ating pamahalaan," ani Ramirez.
Ayon kay Ramirez, sa kabila ng krisis sa ekonomiya ng bansa, nakapagpaluwal pa rin ang Pangulo ng P300 milyon mula sa kanyang Presidential Contingency Fund.
"In fairness to the government, the government is helping to make this South-east Asian Games a success," sabi ni Ramirez.
Sa ilalim ng direktiba ng Presidente, ang lahat ng sangay ng gobyerno ay maaaring lapitan ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) para sa anumang kailangan nito.
Nilinaw naman ni Ramirez na hindi nila sinasapawan ang PHILSOC, kundi gusto lamang niyang ibida ang mga tulong ni Pangulong Arroyo. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended