^

PSN Palaro

Trapiko hindi magiging problema sa SEA Games

-
Kung ang trapik ang inireklamo ng isang opisyal ng Thailand Olympic Committee (TOC) para sa darating na 23rd Southeast Asian Games, hindi naman ito isang malaking isyu para sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay POC secretary-general Steve Hontiveros, nakikipag-ugnayan na ang Philippine SEA Games Orga-nizing Committee (PHILSOC) kay Security Management Committee chairman Gen. Rodolfo Tor.

"I don’t think that it will be a big problem in the 2005 Southeast Asian Games. We are now coordinating with General Tor regarding the arrangement sa traffic natin," wika kahapon ni Hontiveros.

Inireklamo ni TOC vice-president Chaiyapak Siriwat ang malalang trapik sa kan-yang ginawang pagbisita sa mga sports venues na gagamitin para sa 2005 SEA Games, nakatakda sa Nob-yembre 27 hanggang Disyem-bre 5.

"Sa mga athletes walang problema ang traffic kasi malapit lang ang mga hotels nila sa venues," sabi ni Hontiveros. "Siguro case to case basis lang ‘yan. But I don’t think that traffic will affect our hosting of the 2005 SEA Games."

Tiniyak na rin ni Tor ang kaligtasan ng lahat ng mga delegadong lalahok sa natu-rang event.

Kaugnay nito, binuksan naman ng Thailand, Malaysia, Indonesia at Singapore ang kani-kanilang mga palad para sa kakailanganing tulong ng Pilipinas.

"Sabi nila kung ano pa ang kailangan natin, sabihin lang daw natin sa kanila and they will help us all the way para maging successful itong SEA Games natin," ani Hontiveros. (Russell Cadayona)

BUT I

CHAIYAPAK SIRIWAT

GAMES ORGA

GENERAL TOR

HONTIVEROS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RODOLFO TOR

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with