^

PSN Palaro

Panawagan sa JRU Management

SPORTS - Dina Marie Villena -
Bago pa man magsimula ang klase ng taong ito, pinalakad ko na sa pamangkin ko na nag-aaral sa Jose Rizal University ang kanyang mga kailangan para sa pag-transfer ng school sa Canlubang, Laguna dahil doon ito naninirahan.

Humihingi ng honorable, dismissal, good moral character at transcript of records ang pamangkin ko. That was last June pa.

Kahapon Setyembre 19, bumalik ang pamangkin ko sa JRU para uli sa mga requirements na kailangan niya para makapasok ng ibang schools.

Kasama ang sister ko na kanyang ina, kahapon nagtungo uli sila sa JRU, pero sa awa ng Diyos, tila hindi na naman makakapag-enrol ngayong second semester ang pamangkin ko dahil pinababalik na naman sila ngayon ng isang linggo para sa hinihinging requirements.

At nang tanungin ng sister ko kung puwedeng mahintay kasi nga malayo pa ang kanilang pinanggalingan, hindi daw dahil pipirmahan pa daw iyon. At hindi rin daw mapipirmahan kahapon dahil marami daw ginagawa yung pipirma.

Siyempre nagreklamo na yung sister ko dahil nga wala na nga silang panggastos eh pababalikin pa sila. Sinagot pa nga daw siya na kasi daw kahapon lang nagbayad ng kulang. Eh yung kulang na yon hindi naman nila isinama nang magbayad sila noong June nang mag-request sila at nagpa-assess.

Kaya hayun ang mga pobre, mula sa Canlubang, nagpunta ng Mandaluyong para sa mga requirements pero mula sa JRU pauwi ng Canlubang, Laguna ay walang dala ang sister at pamangkin ko kundi pangako ng isang taga-registrar na isang linggo (na naman) para makuha ang requirements. At hindi lang iyon, hindi pa daw sigurado ang isang linggo kaya para makasiguro ay tumawag daw muna ( Ito ang ayon sa isang taga-registrar na may pangalang Zaldy). Tinutulungan ko ang pamangkin ko sa kanyang pagpapa-aral dahil kapos ang kapatid ko para maipagpatuloy ng kanyang anak ang kanyang pag-aaral. At mula sa Canlubang, magkano na ang pamasahe. Hindi lang iyon kundi ang pagod pa na pagkatapos ay wala namang mangyayari sa pag-uwi mo.

Noon pa mang first semester nang hindi makapag-enroll ang pamangkin ko ay isusulat ko na talaga ang ukol sa pangyayaring ito, pero nagpigil pa rin ako at nagbabakasakaling ngayong bago mag-enrollment ang second semester ay may mangyayari na. Pero pahirapan pa rin kaya nanawagan na ako dito sa kolum ko.

Nanawagan lang sana ako sa management ng JRU partikular na sa kanilang registrar na baka naman maging madali hindi lamang sa aking pamangkin kundi maging sa ibang estudiyante ang pagkuha ng mga ganitong requirements.

Kasi hindi lamang nasasayang ang pera kundi pati na rin ang oras at panahon at tulad nga niyan baka hindi na naman makapasok sa second sem ang pamangkin ko na walang ibang pinangarap kundi ang makatapos ng kolehiyo at magbakasaling makakuha ng isang magandang trabaho para makatulong sa kanyang mga magulang.

Sana naman magkaroon ng magandang resulta ang panawagang ito. At sana makapag-enroll ang pamangkin ko ngayong sem. Pero depende pa rin iyon kung gaano kabilis aaksiyunan ng JRU ang reklamong ito.

vuukle comment

CANLUBANG

DAHIL

DAW

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KAHAPON SETYEMBRE

NAMAN

PAMANGKIN

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with