Simula na ng giyera ng Letran at PCU
September 19, 2005 | 12:00am
Matapos magposte ng matayog na 13-1 kartada sa eliminasyon, ang pag-angkin naman sa korona ang puntirya ng host Letran College.
"Ibang level na to mas mabigat na ang labanan," sabi ni head coach Louie Alas sa kanyang Knights na hahamon sa nagdede-pensang Dolphins ng Philippine Christian Uni-versity para sa kampeo-nato ng 81st NCAA mens basketball tournament. "Maski na tinalo namin sila twice in the eliminations, patas lang ang labanan."
Nakatakda ang Game-One ngayong alas-3:30 ng hapon matapos ang upakan ng defending ju-niors champion San Beda Red Cubs at San Sebas-tian Staglets sa ala-1:30 sa Araneta Coliseum.
Sa kabuuang 14 asig-natura sa eliminasyon, tanging ang Mapua la-mang ang nakapagpala-sap sa Letran, inihatid ni Alas sa korona noong 1998 at 2003, ng nag-iisa nitong kabiguan mula sa 66-71 pagyukod noong Agosto 24. Sa Final Four, tinalo ng No. 1 Knights ang No. 4 San Sebastian Stags, 93-60.
Samantalang binigo naman ng No. 2 Dolphins ang No. 3 Cardinals, 76-53, para ayusin ang ka-nilang best-of-three championship show-down.
Dalawang ulit tinalo ng Letran ang PCU sa eliminasyon, 70-64 at 63-59. Base sa nasabing resulta, lumalabas na underdog ang Dolphins ni mentor Junel Baculi. (Russel Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am