^

PSN Palaro

Figueroa pambato ng bansa sa archery

-
Pangungunahan ng Olympian na si Jasmine Figueroa ang RP men at women’s archery team na nais makapagsubi ng tatlo sa walong gintong medal-yang nakataya sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games.

Nakasama ang 19-anyos na si Figueroa at 18 pang archers sa national team matapos makapasa sa three-day qualifying tournament noong Sept. 9-11 sa Subic Bay Freeport, kung saan gaganapin ang naturang sport sa Nov. 27-Dec. 5 biennial meet.

Pamumunuan ni Figue-roa, sumilat kay dating world champion Natalie Valeeva ng Italy sa Athens Games noong nakaraang taon, ang women’s recurve kasama si Rachel Cabral habang ang men’s team ay binubuo nina Florante Matan, Mark Javier, Marvin Cordero, Christian Covilla, Zander Lee Reyes at Erickson Gonzales.

Ang women’s team sa compound event ay kinabi-bilangan nina Amaya Paz, Jennifer Chan, Abby Tindu-lan at veteran Joanne Taba-nag at ang men’s side ay sina Carlos Carag, Raul Arambulo, Gil Gabriel, Adam Jimenez, Earl Yap at Fermin Baranache.

"We’re still evaluating two other athletes (wo-men’s) kung isasama sila para meron tayong entry sa team event sa recurve. Kung wala, dalawa lang ang isasali natin sa indivi-dual event," ani Ligaya Ma-nalang, secretary-general ng National Archery Asso-ciation of the Philippines (NAAP).

ABBY TINDU

ADAM JIMENEZ

AMAYA PAZ

ATHENS GAMES

CARLOS CARAG

CHRISTIAN COVILLA

EARL YAP

ERICKSON GONZALES

FERMIN BARANACHE

FLORANTE MATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with