^

PSN Palaro

Pacquiao susuporta kay Gejon

-
Nais ni Eriberto Gejon sa kanyang pagsabak para sa World Boxing Association (WBA) mini-mum weight crown sa Setyembre 25 sa Yoko-hama, Japan ay naroroon ang kanyang idol na si Manny Pacquiao sa ring-side para maging inspi-rasyon nito laban kay Yutaka Niida sa Yokoha-ma Arena.

"Sana dumating siya at samahan niya ako sa laban," wika ni Gejon ha-bang nagte-training sa kanyang headquarters sa Cebu City kahapon. "Ma-laking tulong ang pre-sence niya sa laban ko. Lalo akong gaganahan kapag nanood siya (Pac-quiao)."

Pinagbigyan naman ni Pacquiao na kagagaling lamang mula sa kanyang sensational na panalo kontra kay Hector Velaz-quez ng Mexico sa Los Angeles, ang kahilingan ni Gejon.

Pumayag si Pacquiao na manood ng laban ni Gejon at nangako itong darating sa Tokyo sa Setyembre 23.

"Kapag hindi siya su-muntok, siya ang susun-tukin ko," wika ni Pac-quiao sa manager ni Ge-jon na si Wakee Salud.

May taas na 5’6 1/2, taglay ng 28-gulang na si Gejon ang record na 21-0-1 na may 13 knockouts. Pinigil niya ang siyam mula sa kanyang huling 12 kalaban.

Maliit ng 4 1/2, ito ang ikatlong depensa ng 26-anyos na si Niida ng kanyang WBA 105-lb title at mayroon siyang ring record na 18-1-3 na may walong knockouts.

Inaasahang si Gejon ang susunod na RP boxer na mag-uuwi ng world title.

CEBU CITY

ERIBERTO GEJON

GEJON

HECTOR VELAZ

LOS ANGELES

PACQUIAO

SETYEMBRE

WAKEE SALUD

WORLD BOXING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with