^

PSN Palaro

Kanino ang huling twice-to-beat ticket?

- Ni Carmela V. Ochoa -
 Ang No. 2 seat na may kakabit na benta-heng twice-to-beat ang paglalabanan ng defen-ding champion De La Salle University at Univer-sity of the East sa replay ng kanilang kontrobersiyal na Sept. 1 overtime game.

Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng DLSU Green Archers at UE Red Warriors na ipinag-utos ng UAAP Board na siyang pormal na magtatapos ng elimination round.

Kumpleto na ang cast ng Final Four na kinabibi-langan ng dalawang ko-ponang ito kasama ang Ateneo De Manila Univer-sity at ang Far Eastern University na umangkin ng unang twicwe-to-beat ticket dahil sa kanilang matayog na 12-2 pagtata-pos sa eliminations na sumiguro sa kanila ng No. 1 spot.

Nasa ikalawang pu-westo ang Red Warriors (10-3) kasunod ang ADMU Blue Eagles na nagtapos sa eliminations na may 10-4 kartada ha-bang ang La Salle ay may 9-4 kartada na siyang naghahabol sa huling twice-to-beat ticket na ipagkakaloob sa top-two teams.

Ipinag-utos ng UAAP board ang replay noong Sept. 9 matapos iapela ng La Salle ang pagbawi ng UAAP Technical Commit-tee sa 86-83 overtime win ng Archers na ibinigay sa East na pinaboran ang iprinotestang illegal time-out ng La Salle sa regula-tion ng naturang laro.

Kailangang ipanalo ng Red Warriors ang labang ito upang tuluyang angki-nin ang No. 2 position da-hil kung hindi ay magka-karoon ng three-way-tie sa 10-4 kartada.

Sa ganitong sitwas-yon, gagamitin ang qou-tient para sa ranking at ang Archers ang pinaka-mataas kaya sila ang aangkin ng huling twice-to-beat ticket at ang Red Warriors at Ateneo ang maglalaban uli para sa No. 3 position.

Mauuna rito, magsasagupa ang FEU Lady Tams at Ateneo Lady Eagles sa alas-2:00 ng hapon upang paglabanan ang No. 3 position.

ANG NO

ATENEO DE MANILA UNIVER

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with