Inimbitahan si Cojuangco ng Inter-national Basketball Federation o FIBA na nais maresolba ang kasalukuyang isyu sa basketball sa bansa na siyang dahilan para masuspindi ang Pilipinas sa anumang international competition kabilang na ang Southeast Asian Games.
Nakatakdang magtungo si Cojuangco sa main office ng FIBA sa Geneva sa September 26 at inaasahang ipapaliwanag nito ang mga naging kaga-napan kung bakit sinibak ng POC ang Basketball Association of the Philippines (BAP).
Kasalukuyan pa ring kinikilala ng FIBA ang BAP na pinamumunuan na ngayon ni Joey Lina kayat hindi mabig-yang daan ang itinayong Philippine Basketball Federation na pinangu-ngunahan naman ni Moying Martelino.
Matigas ang paninindigan ni Cojuangco na panatilihin ang pagkilala sa PBF bilang basketball association ng bansa na nawala sa BAP matapos nitong suwayin ang pakikipagkasundo sa POC at Philippine Basketball Association ukol sa national training team na siyang dahilan para sibakin ito ng POC.
Makakasama ni Cojuangco sa Geneva si POC Chairman Robert Aven-tajado at ang legal counsel na si Ding Tanjuatco upang ipaliwanag ang kanilang panig para sa layuning bawiin ng FIBA ang suspension sa bansa na magbibigay daan sa pagkakaroon ng basketball team sa SEA Games. (CVOchoa)