"Nakipag-usap na kami kay Cuban Ambas-sador Jorge Rey Jimenez para ayusin yung mga hinihingi ng Cuban boxing sa amin," ani ABAP presi-dent Manny T. Lopez.
"Were hoping na maaayos kaagad ito para masimulan na ni Liranza ang training sa mga boxers natin."
Ilan sa mga dokumen-tong hinihingi ng Federa-cion Cubana De Boxes sa ABAP ay ang health at death insurance para sa 57-anyos na si Liranza.
Ayon kay Lopez, sakaling hindi nila maku-ha si Liranza ay hindi ito magiging kawalan sa kanilang boxing asso-ciation.
Si Liranza, ang No. 2 coach sa Cuban boxing team, ang naghatid kay light flyweight Mansueto Onyok Velasco, Jr. sa silver medal sa Olympic Games noong 1996 sa Atlanta, USA.
Umaasa rin ang ABAP na magiging instrumento nila si Liranza para maku-ha ang overall title sa boxing event ng 2005 SEA Games, hahataw sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5. (Russell Cadayona)