^

PSN Palaro

May bala pa ang RP athletics team

-
Mayroon pang bala ang RP athletics team.

Isang Fil-American sprinter ang inaasahang magpapalakas ng kam-panya ng athletics squad sa nalalapit na Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa darating na November 27 hanggang December 5.

Ito ay ang 27-gulang na si Khasus Perona na pumukaw ng pansin noong 2004 National Open track and field championships sa 400-meter run kung saan tinalo niya ang two-time SEA Games gold meda-lists na si Ernie Cande-lario.

Ayon kay Jojo Posa-das, coach ng national athletics team na naka-kuha na ng Philippine passport si Perona na naka-base sa Los Angeles.

"May ipinadala nang communication dito si Perona na nakakuha na siya ng passport," ani Posadas. "Kailangan na lang ng confirmation ng kanyang hangaring mag-laro para sa bansa."

Bukod sa 400m run, makakatulong din ang 6-foot-1 na si Perona sa 4x400 relay ng men’s team kung matutuloy ito sa national team.

"Siguradong gold ‘yan si Perona. Tapos puwede pa siya sa 4x400 relay."

Ang pagdating ni Pe-rona ay makakatulong sa katuparan ng 16-gintong prediksiyon ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok.

Sinabi ni Posadas na walo lamang ang kan-yang sinusigurong maku-kuha ngunit nilinaw ni-yang malaki ang posibi-lidad na matupad ang 16-gold na target. (CVO)

ERNIE CANDE

GO TENG KOK

ISANG FIL-AMERICAN

JOJO POSA

KHASUS PERONA

LOS ANGELES

NATIONAL OPEN

PERONA

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with