FEU nakasiguro; DLSU may pag-asa
September 16, 2005 | 12:00am
Nakasiguro ang Far Eastern University ng twice-to-beat advantage habang nagkaroon na-man ng pag-asa ang defending champion De La Salle University na magkaroon din ng gani-tong kapalaran matapos ang kanilang hiwalay na panalo sa penultimate game day ng UAAP mens basketball tourna-ment sa Araneta Coli-seum.
Walang kawala sa FEU Tamaraws ang No. 1 spot na may kakabit na twice-to-beat sa Final Four matapos ang eks-plosibong 76-43 panalo kontra sa ku-lelat na Na-tional Uni-versity sa unang laro.
Tumapos ang reigning Most Valuable Player na si Arwind Santos na double-double perfor-mance sa pagkamada ng 16-puntos at 10-rebounds katulong si Mark Isip na may 11-puntos para mag-tapos ang Far Eastern na may 12-2 panalo-talo.
Dinuplika naman ng DLSU Green Archers ang panalo sa unang pagki-kita, 78-60, nang muli nilang pasadsarin ang mahigpit na karibal na Ateneo De Manila Univer-sity sa ikalawang laro, 72-55 na nag-kait sa Blue Eagles sa tsansa sa twice-to-beat ticket.
Ang pagsulong ng La Salle sa 9-4 karta ay nagbigay sa kanila ng pag-asa sa No. 2 spot na makakakuha ng huling twice-to-beat ticket.
Kailangang talunin ng Archers ang University of the East na nag-iingat ng 10-3 record, sa replay ng kanilang September 1 overtime game na kani-lang pinagwagian sa 86-83, sa Linggo upang makapu-wersa ng three-way tie sa ikala-wang puwesto kasama ang Ateneo.
Sa gayong sitwasyon, ang La Salle ang may pinakamataas na qoutient mapapasakanila ang huling twice-to-beat slot habang ang Eagles at Red Warriors naman ang magpi-play-off para sa No. 3 patungong Final Four kung saan ang pairing ay No. 1 versus No. 4 at No. 2 kontra No. 3.
Ngunit kung mabibigo ang La Salle, aangkinin ng Red Warriors ang huling twice-to-beat habang malalaglag ang Archers sa No. 4 at No. 3 ang Ateneo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended