Muros puwede pa sa SEAG

Kung mabibigyan ng pagkakataon, desidido ang long jump queen ng bansa na si Elma Muros-Posadas na magbalik upang muling kumatawan ng bansa sa nalalapit na Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa darating na Nov. 27-Dec. 5. Ito ang sinabi ng national coach ng athletics team na si Jojo Posadas, ang asawa ng 39-gulang na si Elma.

"Hindi na kailangan si Elma pero kung wala nang iba, puwede pa rin siya. Gusto kasi niya, pagbigyan muna yung mga mas batang atleta. Pero kung kailangan siya, handa siya," wika ni Jojo. Ayon kay Jojo, may dalawang buwan pang natiti-ra bago sumapit ang biennial meet kaya’t may pagkakataon pang makapaghanda si Elma upang makatulong sa RP athletics team na inaa-sahang muling hahakot ng ginto tulad ng mga nagdaang SEA Games.

Tinitingnan ni Muros, may 15-golds sa SEA Games, na walo nito ay sa kanyang paboritong long jump, ang pagsabak sa 400-m hurdles at kung matutuloy siya sa national team ay maari din siyang maka-sama sa women’s 4x400 relay team ani Jojo.

Nilinaw ni Jojo na kahit isa siya sa mga coaches at kahit asawa niya si Elma, hindi basta-basta makakabalik si Elma sa national squad.

"Kailangan pa rin niyang dumaan sa criteria," ani Jojo. (CVOchoa)

Show comments