P8.5M pinirmahan ni Cabagnot sa SLR

Tuluy na tuloy na ang paglalaro ng Fil-Am na si Alex Cabagnot sa Sta. Lucia Realty nang pormal itong pumirma sa Realtors na naudlot noong nakaraang buwan dahil sa problema sa kanyang kontrata. Isang lukratibong tatlong taong kon-trata ang pinirmahan ng No. 2 overall pick na si Cabagnot na nagkakahalaga ng P8.5 milyon bukod pa sa kanyang mga bonuses.

"After almost a month of waiting, he (Cabagnot) has finally come back to face everybody and signed a contract with us," pahayag ni Sta. Lucia team manager Buddy Encarnado sa isang press conference sa PBA office sa Ultra sa Pasig kung saan kasama niyang humarap sa media si Cabagnot na nagbalik dito sa bansa matapos bumalik sa Hawaii nang mabigo ang negosasyon noong nakaraang buwan.

"I’m sorry for all the controversies and inconvenience," ani Cabagnot na dumating noong Martes. "It was all a big mis-communication, really," anang US-raised na si Cabagnot. "Now I hope to make the team better and do whatever the coach asks me to do." Si Cabagnot ay tatanggap ng P150,000, sa kanyang unang taon, P225,000 sa susunod na taon at P337,500 sa kanyang final year. (CVOchoa)

Show comments