Sa volleyball sa UP gym sa Diliman noon Linggo rin, nagkaroon naman ng konting kumplikasyon sa nalalabing dalawang playing dates ng elimination sa mens division at sa womens division, subalit nakapasok na sa Final Four ng mens category ang Santo Tomas U, Far Eastern U at UP kung saan naghahabol naman ang Adamson at De La Salle para sa huling semifinal round berth.
Nagwagi ang UP at De La Salle noong Linggo sa mens chess at hawak nila ang 1-2 posisyon matapos ang 11 rounds sa UE Briefing Room. Taglay ng Maroons ang 30.0 puntos, habang nagtala naman ang defending champion na Green Archers ng 29 puntos.
Nananatiling hawak naman ng UST ang pangu-nguna sa womens chess sanhi ng kanilang 27.5 puntos na may 1 puntos na agwat sa De La Salle kasunod ang Lady Maroons na may 21.5.
Sa juniors chess, matibay ang UE sa kanilang kampanya na maisukbit muli ang korona nang umiskor ng 28 puntos sa kanilang huling biktima na UST, 3-1.
Itinakas naman ng Ateneo ang ikalawang puwesto taglay ang 24 puntos, na sinundan ng UST na may 17.5 puntos.