^

PSN Palaro

Adamson Lady Falcons No. 1 pa rin sa womens’s cagefest

-
Bagamat nalasap ng Adamson U ang kanilang ikalawang pagkatalo sa season sa mga kamay ng University of the Philippines, 73-57, hindi ito naka-apekto sa kanilang pag-okupa sa No. 1 spot sa UAAP Season 68 women’s basketball noong Linggo sa Adamson gym.

Sa volleyball sa UP gym sa Diliman noon Linggo rin, nagkaroon naman ng konting kumplikasyon sa nalalabing dalawang playing dates ng elimination sa men’s division at sa women’s division, subalit nakapasok na sa Final Four ng men’s category ang Santo Tomas U, Far Eastern U at UP kung saan naghahabol naman ang Adamson at De La Salle para sa huling semifinal round berth.

Nagwagi ang UP at De La Salle noong Linggo sa men’s chess at hawak nila ang 1-2 posisyon matapos ang 11 rounds sa UE Briefing Room. Taglay ng Maroons ang 30.0 puntos, habang nagtala naman ang defending champion na Green Archers ng 29 puntos.

Nananatiling hawak naman ng UST ang pangu-nguna sa women’s chess sanhi ng kanilang 27.5 puntos na may 1 puntos na agwat sa De La Salle kasunod ang Lady Maroons na may 21.5.

Sa juniors chess, matibay ang UE sa kanilang kampanya na maisukbit muli ang korona nang umiskor ng 28 puntos sa kanilang huling biktima na UST, 3-1.

Itinakas naman ng Ateneo ang ikalawang puwesto taglay ang 24 puntos, na sinundan ng UST na may 17.5 puntos.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON U

BRIEFING ROOM

DE LA SALLE

FAR EASTERN U

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LADY MAROONS

LINGGO

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with