Matamlay ang promosyon ng SEA Games ngayon

Kumpara noong 1991, hindi hamak na mas matamlay ang promosyon para sa 2005 Southeast Asian Games.

Ayon kay dating national weightlifter Bert Landero, isang taon bago ang 1991 Manila SEA Games ay kalat na kalat na ang mga promotional materials sa lahat ng kalsada sa Metro Manila.

"Kahit saan ka tumingin talagang makikita mo na ang mga banners, billboards para sa 1991 Southeast Asian Games," wika ni Landero, nagsilbi sa monitoring committee ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Cecil Hechanova noong 1991 edition ng naturang biennial event. "Kaya lahat ng tao kahit malayo pa ang SEA Games alam na alam na nilang meron nito."

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring makitang isa mang banner ng 2005 SEA Games sa mga kalsada ng Metro Manila.

"Kapag nagtanong ka sa tao tiyak na hindi nila alam na merong SEA Games ngayong taon eh," dagdag ni Landero.

Taliwas sa Metro Manila, masigasig naman ang ginagawang pagha-handa ng Cebu City, isa sa tatlong ‘satellite venue’ ng 2005 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Sinabi ni Cebu City Sports Commission (CC-SC) chairman Jonathan Guardo na todo bigay na ang kanilang promosyon para sa pangangasiwa nila sa karatedo, judo, dancesport, sepak tak-raw, pencak silat at mountainbike (cycling).

Bukod sa Cebu City, ang dalawa pang tumata-yong ‘satellite venue’ ng 2005 SEA Games ay ang Bacolod City at Subic Bay Freeport. (Ulat ni Russell Cadayona)

Show comments