^

PSN Palaro

Pacquiao, pa-relaks relaks na muna

-
LOS ANGELES – Matapos ang mabigat at mahirap na oras sa ring noong Sabado ng gabi (Linggo sa Maynila), kinabukasan, nagsimula ng magpa-easy-easy si Manny Pacquiao dito sa LA.

Sinimulan ni Pacquiao ang Linggo ng umaga sa pagsimba sa Christ the King Church na may limang minuto ang layo mula sa kanyang $4,000-a-month, two-bedroom apartment sa La Brea area.

Kasama niyang nag-simba ang kanyang asawang si Jinkee kapatid na si Bobby miyembro ng kanyang team na kinabibilangan ng kanyang local trainer at kababatang kaibigan na si Buboy Fernandez.

At tulad ng pagbisita niya dati sa Catholic church, madaling makilala si Pacquiao na nakasuot ng pulang jacket, dark pants, rubber shoes at maliit na galos sa ilalim ng kanang mata.

Pagkatapos, nagtungo ito sa Marriot Hotel sa downtown LA upang bisitahin ang ilang kaibigan, at tumigil ng halos dalawang oras sa lobby sa pagpirma ng autographs, tawag sa telepono at kuwentuhan sa mga kabigan.

Nakapanood din ito ng US Open Finals kung saan tinalo ng batang si Roger Federer ang may edad nang si Andre Agassi.

Nag-drive ng kanyang Lincoln Navigator, nagtungo si Pacquiao at mga kasama sa Chinatown para sa isang tanghalian kung saan nagpiyesta ito sa steamed fish, spicy crabs, fried noodles at beef with broccoli.

At pagkatapos ay umuwi na ito sa kanyang apartment. Plano nitong mag golf o mag-shopping kinabukasan depende sa kanyang mood. (Ulat ni Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

ANDRE AGASSI

BUBOY FERNANDEZ

CHRIST THE KING CHURCH

KANYANG

LA BREA

LINCOLN NAVIGATOR

LINGGO

MARRIOT HOTEL

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with