Huwag ismolin si Velazquez
September 10, 2005 | 12:00am
LOS ANGELES Huwag ismolin si Hector Velazquez dahil isa siyang tunay na fighter sa loob at labas ng ring.
Ito ang pagsasalarawan ni Ricardo Torres, trainer-manager ni Velazquez, sa mga Pinoy newsmen sa kanyang bata na nagbigay ng detalye tungkol sa kanyang fighter.
Ang kanyang eight-inch na peklat sa kaliwang braso ay galing sa isang patalim sa kanyang pakikipag-away sa kalye.
Ito ay nangyari may 10 taon na ang nakakalipas. At tila isang mensaheng kanyang nais ipabatid kay Pacquiao dalawang araw bago sila magharap sa Staples Center.
"If he (Velazquez) can fight with pistols and knives, hes got no problem fighting with gloves. Hes just so tough and so strong," ani Torres sa kanyang kapwa Mexican.
Sinabi nito na inaasahan niya ang right-handed niyang bata ay agad susugod kay Pacquiao sa unang tatlong round upang hamunin ang kaliweteng Pinoy sa mas maagang bakbakan.
"Then if Pacquiao fights Velazquez fight, hell get knocked out," dagdag ni Torres sa final press conference sa Wilshire Grand Hotel.
Ganun kabigatin ang kanyang bata. (Ulat ni Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended