^

PSN Palaro

Panalo asam ng PCU at Letran

-
Bilang top-two teams ng dalawang round ng eliminations, inaasahang ang defending champion Philippine Christian University at ang host Colegio de San Juan de Letran ang magtutuos sa finals ng NCAA men’s basketball tournament at hangad nilang maitakda ang kani-lang showdown sa pamamagitan ng kanilang tagumpay sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa pagsisimula ng Final Four sa Cuneta Astrodome.

Kapwa may tangan na twice-to-beat advantage ang PCU Dolphins at ang CSJL Knights matapos pangunahan ang eliminations kaya’t isang panalo lamang ang kanilang kailangan para makausad sa finals habang dalawang panalo ang kaila-ngan ng kani-kanilang mga kalaban.

Alas-2:00 ng hapon magsasagupa ang Dol-phins at MIT Cardinals na susundan ng engkwentro ng Knights at SSC-R Stags sa alas-4:00.

Magsisimula rin ang Final Four ng juniors divi-sion kung saan may twice-to-beat advantage ang SBC Red Cubs at SSC-R Staglets laban sa PCU Baby Dolphins at Letran Squires ayon sa pagkakasunod.

Bubuksan ng Red Cubs at ng Baby Dolphins ang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat na laro ay ang Staglets at Squires na-man ang magsasagupa sa alas-6:00 ng gabi.

BABY DOLPHINS

BILANG

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

LETRAN SQUIRES

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

R STAGLETS

R STAGS

RED CUBS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with