^

PSN Palaro

Renobasyon sa mga sports venues matatapos na

-
Taliwas sa pahayag ng ilan, sinabi ni Philip-pine Sports Commission (PSC) chair-man William ‘Butch’ Ramirez na 85 por-siyento nang kum-pleto ang pagpapaayos sa ilang sports venues na gaga-mitin sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Kabilang sa mga venues na inaayos pa hanggang sa ngayon ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, ang PhilSports Complex sa Pasig City at ang Paglaum Stadium sa Bacolod City.

Ayon kay Ramirez, matata-pos ang konstruksyon sa naturang mga venues sa huling linggo ng Oktubre.

"Continuos naman ang construction sa mga venues na gagamitin for the 2005 South-east Asian Games. Halos 85 percent na ang in place at konti na lang ang kulang," ani Ramirez. "In due time bago dumating ang November maa-ayos natin lahat ‘yan."

Pinangangambahang ka-kapusin sa panahon ang gina-gawang renobasyon sa maala-mat nang Rizal Memorial Track Oval sa RMSC.

"According to (PSC) Com-missioner Richie Garcia, dadating na ‘yung mga sup-plies at tamang-tama ‘yon sa target date natin. Baka last week of October tapos na ‘yan," sabi ng PSC chief.

Ikinumpara rin ni Ramirez ang nangyari sa 2003 SEA Games sa Vietnam at sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.

"Sa Vietnam, sa Athens before the Games meron pa ring mga bagay na hindi pa tapos. But the bottomline is we are ready to host the 2005 Southeast Asian Games," ani Ramirez. (Ulat ni Russell Cadayona)

vuukle comment

ASIAN GAMES

BACOLOD CITY

OLYMPIC GAMES

PAGLAUM STADIUM

PASIG CITY

RAMIREZ

RICHIE GARCIA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with