Altas Pep Squad kampeon sa NCAA cheer-dance competition

Tinanghal na kampeon ang University of Perpetual Help System Dalta ng 2005 Cheer-dance competition na ginanap kahapon sa Araneta Coliseum.

Kumulekta ang UPHSD Altas Pep Squad ng pinakamataas na ave-rage na 90.33% upang makopo ang P55,000 na champions purse.

"You have to be more considerate also about the scores that you give them and at the same time we’re all expecting high standards from them," ani equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski, 2002 Busan Asian Games gold medalist na isa sa mga hurado kasama si 1996 Atlanta Olym-pic Games silver medal Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. Sina Mikee at Onyok ay kabilang sa 12 ambassadors ng South-east Asian Games na tumutulong sa public awareness para sa nalalapit na biennial meet na itatanghal ng bansa sa Nov. 27-December 5.

Runner-up naman ang San Sebastian Gold-en Stags na kumulekta ng 83.99% habang ang host Letran Cheering Squad ang third place na may 82.99%.

Ang Golden Stags ay nagsubi ng P35,000 runner-up prize habang P25,000 naman sa Letran Cheering Squad. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments