^

PSN Palaro

Tanamor, Tipon sure na sa silver

-
Kapwa dinispatsa nina Harry Tanamor at Joan Tipon ang kanilang kalaban sa magkahiwalay na laban noong Sabado at iseguro sa Philippines ang dalawang silver medals sa 23rd Asian Seniors Boxing Championship na ginaganap sa Dinh Phung Stadium sa Ho Chi Minh City.

Ipinakita ni Tanamor ang kanyang pagiging angat kontra sa kanyang karibal na si Suban Punon ng Thailand ng umiskor ito ng kumbinsidong 30-24 panalo upang maka-pasok sa final ng lightflyweight class.

Si Tana-mor ang siyang may malalim na karanasan sa mga boxers na ipinadala rito ng Philippines nang magpatama ng mas maraming solidong suntok sa ilang palitan ng sun-tok.

Taglay ang 20-16 bentahe patungo sa final round, naglabas si Ta-namor ng mga suntok kasabay ng kanyang estilong pasayaw-sayaw kontra sa kanyang kala-ban na si Suban na ika-apat na beses na niyang nakaharap.

Makakasagupa ni Tanamor, bronze medalist sa World Championships at sa Southeast Asian Games ang Athens Olympics bronze medalist na si Hong Moo Won ng Korea para sa gintong medalya ng tournament na ito na humatak ng atensiyon ng mga mahu-husay na fighters sa kontinente.

Kinailangan naman ni Tipon na tabunan ang kanyang mabagal na panimula bago niya naku-ha ang tempo at pabag-sakin si Raahhyn Adyan-nov ng Kazakshtan, 26-13 at mapasabak sa gold medal bout sa bantam-weight category.

Inilabas naman ng Kazakh fighter ang kan-yang sandata ng ibaon niya si Tipon matapos ang unang round, 3-4. Pero matapos na makakuha ng instructions ang Fili-pino mula sa coaching staff sa pangunguna ni Pat Gaspi, nakita rin niya ang tamang pagpapata-ma ng suntok sa su-munod na dalawang round, bago sinundan ito ng matagumpay na pag-papakawala ng solidong jabs upang sa pagtatapos ng ikatlong round, angat na si Tipon, 15-9.

Nabigo naman si Mark Jason Melligen na mapasabak sa medal bout nang madiskuwali-pika ito matapos na magbigay ng below the belt sa kalabang si Ali Ashga Sha ng Pakistan sa welterweight division na naging dahilan ng kanyang kabiguan.

vuukle comment

ALI ASHGA SHA

ASIAN SENIORS BOXING CHAMPIONSHIP

ATHENS OLYMPICS

DINH PHUNG STADIUM

HARRY TANAMOR

HO CHI MINH CITY

HONG MOO WON

JOAN TIPON

MARK JASON MELLIGEN

TIPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with