UE pasok sa Final 4
September 4, 2005 | 12:00am
Hindi nakuha ng Uni-versity of the East ang slot sa Final Four sa basket-ball court ngunit sa korte ng University Athletics Association of the Philip-pines technical commit-tee, nanalo ang Red Warriors na nagbigay sa kanila ng ticket sa semi-finals ng UAAP seniors basketball tournament.
Pinaboran ng UAAP technical committee ang protesta ng UE Red Warriors upang bawiin ang 86-83 overtime win ng defending champion De La Salle University at ipagkaloob sa East.
Matapos rebisahin ang game tape, nakita ng technical committee na tumawag ng illegal time-out ang DLSU Green Archers, 1.8 segundo na lamang ang natitira sa regulation.
Ayon kay technical committee head Ricky Palou ng Ateneo, pagka-tapos ng lay-up ni UE guard Marcy Arellano na nagbigay sa Red Warriors ng 74-72 kalamangan pa-tungo sa huling 1.8 se-gundo ng regulation, tinanggap ni Joseph Yeo ang inbound pass mula kay TY Tang bago tuma-wag ang La Salle ng time-out.
"La Salle was not entitled to a timeout be-cause the ball is already in the possession of the player," ani Palou. "Accor-ding to FIBA rules, a timeout can be made prior to the basket or before the inbounder gets hold of the ball. In La Salles case, that ball was already in the hands of the inbounding player, then they called for timeout which the referee gave to them. So lumala-bas na illegal timeout and the UE protest has the basis."
Sinabi naman ni La Salle coach Franz Puma-ren na iaapela nila ito sa UAAP board. "We will appeal the decision. Kum-baga, nasa lower court pa lang naman yung nag-decide, so pwede namin i-appeal."
Dahil sa pangyayaring ito, umangat ang East sa 9-3 record na sumiguro sa kanila ng Final Four slot para samahan ang na-ngungunang Far Eastern University (9-1), habang bumagsak naman ang Archers sa 6-5.
Ito ang ikalawang pagkakataong nanalo ang UE kontra sa La Salle sa technical committee nang ibasura ang protesta ng 57-56 panalo ng Red Warriors sa unang round dahil sa goal tending.
Samantala, pinigilan naman ng sibak na sa kontensiyong University of Santo Tomas ang Ate-neo de Manila University na makakuha ng outright Final Four berth matapos ang kanilang 77-73 pa-nalo na nag-angat sa kanila sa 4-8 record ha-bang nahatak ang ADMU Eagles sa 8-3.
Sa ikalawang laro, pinag-initan naman ng La Salle ang University of the Philippines na kanilang iginupo sa 59-45 para umangat sa 7-5 record kontra sa 6-7 ng Maroons.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am