^

PSN Palaro

Paging PGMA!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Baka naman isang tao na lang ang hinihintay ng POC at BAP para pumagitna sa kanila at nang ma-solve na ang problemang kinakaharap ng Phil. Basketball sa kasalukuyan. Pareho kasing ayaw magpatalo ng dalawang ito kaya nananatili ang suspension natin sa FIBA at nananatili rin ang status natin na di tayo puedeng sumali sa darating na SEA Games.

Unless may milagrong mang-yayari sa dalawang yan the soonest possible time, malamang na malamang na, hindi tayo ma-kakasali sa basketball sa SEA Games.

Sa loob ng maraming nakali-pas na taon, ngayon lang tayo di makakasali sa SEA Games basketball, at nataon pa naman yan sa panahong tayo ang host.

Biro mo, tayo ang host, dito na nga sa atin gagawin, tapos walang team na Pilipinas sa basketball competition.

Nakakaloka at nakakahiya.

Isang malaking mensahe yan sa ibang bansa na tutuo nga, dito sa Pilipinas, patay na ang amateur basketball.

Kaya naman, patuloy na nag-hahanap ng solusyon ang lahat ng nagmamalasakit sa basketball para lang makasali tayo sa SEA Games.

At dahil patuloy silang nagpa-pa-taasan ng ihi kaya walang bu-mibigay, may isa akong mungkahi o suggestion para dito.

At maniwala kayo, tiyak yan, may mangyayari dyan.

At ano ang solusyon dyan?

I-request natin kay President Gloria Macapagal Arroyo na pang-himasukan na niya ito, ipatawag ang mga concerned persons sa Malacanang, pag-usapin sa harap niya, at pilitin niyang mag-come up ng isang compromise ang parties concerned.

Alam kong sa puntong ito ay marami ring problema pa si PGMA, pero sa isang bansang tulad ng Pilipinas na ang national pastime eh basketball, milyong Pilipino pa rin naman ang naghi-hintay sa kahihinatnan ng kagulu-han ng mga basketball leaders natin, at patuloy pa rin silang umaasang makakasali tayo sa SEA games basketball.

At naniniwala ako, si Pres. GMA na lang ang tanging paki-kinggan ng mga sports leaders natin. Tiyak na mapapaligaya ni PGMA ang mga Pinoy kapag nabigyan ng lunas ang matinding sakit na ito ng amateur basketball.

Opo, si GMA na lang ang makakagawa niyan.

And the sooner she steps in, the better for basketball and the Philippines!

Please lang, Mrs. President!
* * *
Letran vs. SSC, PCU vs. Ma-pua sa cross over ng NCAA Final Four.

Kay gandang pares ng mga laro yan. Tiyak mapupuno ang Cuneta Astrodome nyan.

Twice to beat ang Letran at PCU.

Kaya pa kayang makahabol ng Mapua at SSC?

Malalaman natin.
* * *
Para sa latest in showbiz and sports news, type lang kayo NAP ON sa 34822 para sa Smart at Talk N Text subscribers.

BASKETBALL

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

KAYA

LANG

LETRAN

MRS. PRESIDENT

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with