^

PSN Palaro

Warriors hinarang ng Archers

-
Minsan pang pinatu-nayan nina Franz at Din-do Pumaren na walang kapa-kapatid pagdating sa basketball court.

Humakot si Joseph Yeo ng 19 puntos, 3 re-bounds at 3 assists para pigilin ng nagdede-pensang De La Salle University ni Franz ang pagpasok ng University of the East ni Dindo Pumaren sa Final Four sa pamama-gitan ng 86-83 panalo sa overtime sa second round ng UAAP men’s basket-ball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Dalawang krusyal na tres ni JV Casio sa exten-sion period ang nagbigay sa La Salle ng 7-4 karta-da, kasama rito ang isang two-game winning run, sa ilalim ng 9-1 ng FEU, 8-2 ng Ateneo, 8-4 ng UE at 6-6 ng UP, sinibak ang host Adamson mula sa 70-63 pananaig sa inisyal na laban.

Isang undergoal stab ni Cholo Villanueva ang naglagay sa Green Ar-chers sa overtime, 74-74, matapos agawin ng Red Warriors ang 74-72 la-mang sa huling 1.8 tikada ng 4th-quarter matapos mabaon sa 66-72 rito.

Tatlong dikit na free-throws nina Jun-Jun Ca-batu at Rico Maierhofer sa nalalabing 44.2 tikada sa overtime ang sumelyo sa panalo ng Green Archers.

Napatalsik naman sa huling 13.7 segundo ng fi-nal canto si coach Mel Alas ng Adamson, may 3-9 mar-ka sa ilalim ng 3-8 ng UST, nang sugurin at isalya si referee Jun Marave bunga na rin ng magkakasunod na foul out nina Ken Bono, Patrick Tiongco, Leo Canu-day at Jeff Tajonera.

Para maagaw ang No. 4 slot sa Final Four, kaila-ngan ng UP na manalo kontra sa La Salle at UE. (Russell Cadayona)

ADAMSON

BLUE EAGLE GYM

CHOLO VILLANUEVA

DE LA SALLE UNIVERSITY

DINDO PUMAREN

FINAL FOUR

GREEN AR

GREEN ARCHERS

JEFF TAJONERA

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with