Kabilang sa mga inimbi-tahan ni Lapid sa pulong na nakatakda ngayong ala-1 ng hapon ay sina Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) chairman Roberto Pagdanganan, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Peping Cojuangco, Jr. at Philippine Sports Commission (PSC) chief William Butch Ramirez.
Inaasahang tatanungin ng dating action star ang estado ng preparasyon ng 2005 Philippine SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Kasama rin sa mga opisyales na dadalo sa nasabing pulong sa Senado sina POC chairman Robert Aventajado, dating POC lady president Ms. Cristy Ramos, National Training Director Michael Keon at ang kinatawan ng International Olympic Committee (IOC) sa bansa na si Francisco Elizalde.
Hindi pa rin napupunan ng PHILSOC ng karagdagang pondo ang tinatarget nilang P800 milyon hanggang P1.2 bilyong panggastos sa 2005 SEA Games.
Nauna nang nangako si Lapid na maglalaan siya ng P50 milyon bilang tulong sa PHILSOC.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa PHILSOC kahit isang sentimo mula sa dating Gobernador ng Pampanga.
Maliban sa naturang mga opisyales, inimbitahan rin ng komite ni Lapid ang mga pangulo ng 40 National Sports Associations (NSA)s. (Russell Cadayona)