^

PSN Palaro

Nag-enjoy kami sa MGB Cup

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Super fun at to the max ang ginanap na 4th MGB Cup badminton tournament sa Intramuros Badminton Center noong Sabado.

After 3 MGB CUP, na-engganyo kami sa Pilipino Star Ngayon na sumali sa tournament.

Enjoy to the max kami kahit na mga talunan, hindi pa rin umayaw. Hindi nga nakaramdam ng kapaguran ang halos lahat ng sumali.

Palibhasa, first timer, (Class C) kahit kakilala mo ang kalaban may konting kaba pa rin. Mas lalo nga akong kinabahan ng sa ikalawang laro ko kasama ang kapartner na si Angie Isidro ng PSN Accounting laban sa PSN editors na sina Jojo Cruz at Jo Abelgas eh mismong ang STAR Group of Publication president and CEO na si Miguel Belmonte ang nag-umpire.

Siyempre, kakabahan ka talaga dahil bukod sa bossing mo na ‘yon eh magaling na badminton player din. Pero noong una lang naman dahil habang naglalaro na kami ay nawala na rin naman.

To the max din ang mga hatawan at palitan ng shuttle-cock. Ang ending win naman kami, kaya lang eliminated pa rin dahil talo kami doon sa una naming laban kina Emma Doroteo at Irene Llupar ng PSN Accounting na eventually ay runner-up kina Margie Ebio at Rose Mon-sura-- ang champion sa ladies Class C.

Ang iba pang nag-champion sa iba’t-ibang division ay sina Kris Gabitan at Annie Gabitan (Class B), Julie Reyes at Janet Barrenachea (Class A). Runner up sa Class B sina Imee Manzon at Ayvi Cruz at sa Class A sina Babes Adriano-Joyce Uy. At sa men’s naman sina Carlo Sabalboro at Freddie Giron (champion) Leo Alisgar at Bening Batuigas (runner-up) sa Class C. Gerald Ortega-Gio Coquilla (champion) Bong Martinez-Joel Trisalbon (runner-up) sa Class B at Gil Gacuma-Duke Dioso (champion) at Elmer Bacasmas-Eugene Bacasmas (runner-up) sa Class A.

Congrats sa lahat ng nagwagi at sa lahat ng sumali. Hindi bale bawi na lang tayo sa susunod na MGB Cup kaya bitbitin na uli ang mga raketa at simulan nang magpraktis.

vuukle comment

ANGIE ISIDRO

ANNIE GABITAN

AYVI CRUZ

BABES ADRIANO-JOYCE UY

BENING BATUIGAS

BONG MARTINEZ-JOEL TRISALBON

CLASS A

CLASS B

CLASS C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with