3 Pinoy boxer mapapasabak agad sa mabigat na laban

HO CHI MIHN, Vietnam – Agad mapapasabak sa mabigat na pagsubok ang kampanya ng pitong kataong Philippine boxing team sa 23rd Asian Seniors Boxing Championships dito kung saan agad mapapasabak sa mga bigating kalaban ang tatlong unang Pinoy na aakyat sa ring.

Makakalaban ni Joegin Ladon sa 57kg ang Athens Olympic silver medalist na si Kim Song Guk ng PRK, habang makikipagpalitan naman ng kamao si Joan Tipon sa 54 kay TJK Umarov Mehrodj at si Genebert Basadre sa 60kgs kontra naman kay Athens Olympian Shin Jin Soo.

Ang kampanya ng 7-kataong Pinoy boxers na ito na ang biyahe ay suportado ng First Gentleman Foundation, Ginebra San Miguel, Philippine Sports Commission at Accel ay bahagi ng kanilang maigting na paghahanda para sa 23rd Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Harry Tanamor, Warlito Parenas, Mark Jason Melligen at Maximo Tabangcora.

Show comments