Kampanya RP shuttlers sa Taiwan suportado ng Smart at PLDT
August 30, 2005 | 12:00am
Handang ibuhos ni businessman Manny V. Pangilinan ng PLDT at Smart Communications ang kanyang suporta para sa programa ng Philippine Badminton Association (PBA).
Sa suporta ni Pangilinan, nakatakdang magtungo ngayong araw ang isang 18-man national team ng PBA sa Taiwan para lumahok sa 2005 Chinese-Taipei Satellite Badminton Champion-ships na hahataw sa Agosto 31 hanggang Setyembre 4.
Ayon sa negosyante, mahalaga para sa isang atleta ang makasabak sa mga international competitions.
"Theres no point in just practicing amongst your-selves. Parang kapag naglaro kayo alam nyo na ang gagawin eh. Kung dito lang tayo palagi magko-compete, walang mangyayari sa atin," payo ni Pangilinan sa mga Pinoy shuttlers. "The only way for you to move up is to compete interna-tionally for you to know how good you are."
Pamumunuan ng magkapatid na sina Kennievic at Kennie Asuncion, bronze medalist sa mixed doubles event ng 2003 Vietnam Southeast Asian Games, ang national squad sa naturang Tai-wan event na inaasahang sasalihan rin ng mga European at American players.
"Well just do our best para mabigyan ng kara-ngalan ang bansa natin," pahayag ng magkapatid na Asuncion, No. 24 sa world rankings sa mixed doubles event.
Maliban sa mag-utol na Asuncion, nasa grupo rin sina Lloyd Escoses, Owen Lopez, Ian Pience-naves, Arolas Amahit, Jr., Mark Natividad, Jaime Junio, Christopher Flores, Marlon Villarin, Rodel Bar-tolome, Irene Chiu, Vanessa Tanco, Karyn Velez, Amanda Carpo at Paula Obanana.
"Its really a pleasure on the part of PLDT and Smart Communications to support our National badminton team. You should be proud to represent the Philippines for flag and country," ani Pangilinan. (Ulat ni Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended