Rubillar Nanalo Sa Ko; Flores-Simbajon Draw

Madali ang naging trabaho kamakalawa ng gabi ni world rated na si Juanito Rubillar nang magtala ng knockout win habang minalas na technical draw sa second round ang resulta ng laban ni Rexon Flores sa ‘Kulog sa Elorde’ card sa Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque City.

Napuruhan ni Rubillar ng solidong right upper-cut si Edwin Ubatay upang agad itong humilata at mabilangan ng 10 ni reperi Ferdie Estrella sa 1:42 ng third ng 10-round non-title fight.

Tinangka pa niyang tumayo pero hindi niya naga-wang makabangon kaya ibinagsak na lang ang katawan sa lona at hinayaang matapos ang bilang ni reperi Ferdie Estrella sa 1:42 ng third round.

Napaganda ni Rubillar sa 37-9-7 win-loss-draw na may 17 knockouts ang kanyang record at umaa-sang matutupad ang napagkasunduan sa 41st An-nual WBC Convention noong Oktubre 2004 at me-morandum ni WBC President Jose Sulaiman ng Me-xico na may karapatan siya sa mandatory fight sa WBC light flyweight title sa mananalo sa pagitan ng kasalukuyang kampeon na si Eric Ortiz at Fil-Am challenger Brian Viloria sa Setyembre 10 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Umiskor naman si Acasio Simbajon (iniulat na Faustino Simbajon) ng knockdown kasabay ng aksidenteng untugan nila ni Flores, ang kasaluku-yang WBO Asia Pacific flyweight king.

Nabilangan si Flores pero nag-iwan ng malaki’t duguang sugat sa ulo ang naturang insidente kay Simbajon at naging basehan pare ipayo sa reperi na itigil ang laban.

Naingat naman ni featherweight prospect Rey Labao sa 7-0 win-loss na may 5 knockout ang kanyang record nang manalo sa unanimous decision win laban kay Richard Laano.

Show comments