^

PSN Palaro

Kampanya ng Cebu sa SEAG ibinuhos na

-
Kumpara sa Metro Manila, todo-todo na ang ginagawang kampanya ng Cebu City para sa mga Cebuanos ukol sa kanilang pangangasiwa sa anim na sports events ng darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sinabi ni Cebu City Sports Commission (CCSC) chair-man Jonathan Guardo na alam na alam na ng mga Cebuano ang magaganap sa 2005 SEA Games.

"Although more Cebuanos are already aware of the coming Southeast Asian Games, but I think we have to work more on that aspect," ani Guardo. "But we’re doing that right now and in fact, as early as June nag-start na kami ng radio and television campaign."

Ang anim na sports events na pamamahalaan ng Cebu City ay ang cycling, dance-sports, karatedo, judo, pencak silat at sepak takraw.

"Siguro the billboards and the streamers will be put up hopefully this coming Sep-tember para talaga full-blown na ang campaign namin sa mga Cebuanos," wika ni Guardo.

Idaraos ang cycling sa Durano Sports Complex sa Danao City, habang ang judo at karatedo ay isasagawa sa Mandaue Coliseum sa Man-daue City at ang dancesports ay sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City.

Gagawin naman ang sepak takraw sa University of San Carlos Gym sa Cebu City, samantalang ang pencak silat ay sa Cebu Coliseum.

Kamakailan ay nakuha na ng Cebu City ang hinihingi nilang P10 milyong pondo mula sa Malacañang. (RC)

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY SPORTS COMMISSION

CEBU COLISEUM

CEBUANOS

CITY

DANAO CITY

DURANO SPORTS COMPLEX

JONATHAN GUARDO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with