Mapua gumawa ng malaking sorpresa

Ang pinakamalaking istorya sa NCAA this week ay ang pagkakapanalo ng Mapua laban sa Letran nung isang araw

Hawak ang isang undefeated record after 11 games, pumasok ang Knights sa Cuneta Astrodome dala-dala ang confidence na makaka-uit sila sa Cardinals at magtuloy-tuloy na sila sa 12-0 record, two games away from sweeping the NCAA 2005 season. Gustong-gustong manalo ng Letran para nga naman kapag naka-sweep sila ng 14-0, mag-iiba ang istorya ng Round Of Four. Maghihintay na lang sila ng kalaban at mawawala ang cross-over semis.

Pero binigla sila ni Horacio Lim at ng Cardinals. Lalo na ni Kelvin dela Peña na hands down choice namin para sa Rookie of the Year award.

May sorpresa palang dala-dala ang Cardinals at hindi ito nagawang sugpuin ng Knights.

Although naniniwala akong ang Letran din ang lalabas na No.1 team sa NCAA after two rounds, masakit sa kanila ang pagkatalong yon dahil unang talo yun at taga-Intramuros din ang tumalo sa kanila.
* * *
Marami ang maghihintay sa laro ng PCU at San Sebastian ngayong araw na ito. Pareho nilang kailangang manalo kaya patay kung patay ang laban.

Nagdarasal ang Perpetual at College of St. Benilde na matalo ang SSC dahil yan na lang ang pag-asa nilang makahabol pa sa Round of Four.

Kailangang matalo lahat ang 3 remaining games ng SSC para mabuhay ang katiting nilang pag-asa.

At hindi sila nangangarap sa buwan dahil ang huling tatlong kalaban ng SSC ay ang PCU nga, Letran at Mapua pa.

Posible pa silang matalo sa lahat nang larong yan at kapag nangyari yan, may chance pa ang CSB at Perpetual.
* * *
Ang Mapua naman ay may-pag-asa pang maging No.2 team kung maipapanalo pa nila ang lahat ng natitirang laro nila at yan ay laban sa PCU at SSC. Kailangan namang matalo ang PCU sa remain-ing games nila para matupad ang pangarap na ito ng Mapua.

Sa ngayon, tanging ang San Beda at JRU ang wala nang pag-asa.

Pero maninilat pa ang mga yan para magulo ang standings kaya dapat eh huwag silang balewalain ng mga teams still in contention.
* * *


Ang matinding labanan na ito para sa Final Four slots ang lalong nagpapa-ganda sa NCAA ngayon. Bawat laro eh mahalaga at bawat panalo ay kailangang-kailangan.

Sa ngayon, sigurado na ang PCU, Letran at Mapua sa next round. Nakatapak na ang isang paa ng SSC sa Final Four pero yung isa ay nakalubog pa sa kumunoy at pilit na aabutin ng CSB at Perpetual.

Sa ganda ng mga NCAA games, masasabi na rin nating hindi na magpapahuli ang NC sa excitement ng UAAP.
* * *
Para sa latest in showbiz and sports news, text lang kayo NAP ON sa 34822 para sa Talk N Text at Smart subscribers.....

Show comments