Unang panalo kinana ng Alaska
August 24, 2005 | 12:00am
BRUNEI Gumamit ang Alaska ng mabilis na simula at pinagod nila ang kalaban sa pamamagitan ng kanilang depensa sa ikalawang quarter upang makopo ang unang panalo noong Lunes ng gabi sa 5th Shell Rimula Cup dito sa National Indoor Stadium.
Isa na namang soli-dong performance ang ipinamalas ni Artemus 'Tee' McClary nang kanyang pamunuan sa 84-53 panalo laban sa Shangdong Jinsidun Lions ng China at mag-karoon ng pag-asa sa four-nation, six-team tournament.
Tumapos si 6'2 McClary, ang magiging reinforcement ng Alaska sa PBA Reinforced Con-ference sa October, ng 24-puntos upang maka-bawi ang Aces sa 82-85 pagkatalo sa SK Knights ng South Korea noong Linggo ng gabi.
Nagdagdag si Mike Cortez ng 13 points at 4 assists habang nagsu-mite naman si Brandon Cablay ng 11 markers at 3 steals para sa Aces kasunod si Reynel Hug-natan na may 10 points at 5 boards.
"He's fantastic," ayon sa 31-year old na si Cone, nanalo ng dalawang PBA titles, isa sa Talk N Text noong 1998 Centennial Cup at isa sa Coca-Cola noong 2003 Reinforced Conference. "He's what the doctor ordered for us. He does a lot of the little things, going to the boards, shooting the treys, going to the basket. He's very unselfish and talks to his teammates a lot."
Ang unang napili ng Alaska ay si dating Talk N Text import Damien Cantrell ngunit mataas ang kanyang hinihinging suweldo kaya nauwi sila kay McClary.
Agad nakuha ng Aces ang 47-22 halftime lead nang limitahan nila sa pitong puntos lamang ang Jinsidun Lions sa second period kung saan humakot ng walong puntos si McClary.
Sa tulong ni McClary at ni Mike Cortez, napa-lobo ng Alaska ang kala-mangan sa 70-41.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at ang Toshiba-Japan, ang koponang sumilat sa RP-San Miguel Beer kamakalawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest