Ipinakita ng Bacolod City native kung bakit siya ang MVP at best pitcher awar-dee sa Asian Junior at UAAP softball wars nang pasiklaban nito ang mga Filipino-American expa-triates dito, mga kalaban at tournament organizers sa kanyang ibat ibang bato mula, fastballs, sin-kers, curves at ang kan-yang paboritong risers sa pag-strike out ng16 sa 22 batters na nakaharap nito.
Sunud-sunod na sini-bak ng 18-anyos na Adamson U standout ang pitong Puerto Ricans na sumubok sa kanyang ka-kayahan sa third, fourth, fifth at sixth frames.
Bukod sa International top honors, nagtapos din bilang pang-lima ang MayniLA Golden Girls, sa Friendship plum na may 10-team field na kinabibi-langan ng limang US Little League Zones, at tig-isa sa Latin America, Canada at Europe-Middle East, Asia Pacific at isang koponang kumatawan ng host city.
Sa tatlong larong pagpi-pitch ni Muyco na naglalarong outfield ka-pag hindi ito nagpi-pitch, sinibak nito ang kabuuang 34 batters sa 26 at 1/3 innings kabilang ang 18 sa eventual finalist na West Virginia, isang Big League record, at 10 sa District 2.
Tinapos ng Team MayniLA ang kanilang kampanya na may apat na panalo kontra sa dala-wang talo.